Advertisements


Orthostatic hypotension

Madalas na tayo’y masabihan ng ating mga magulang na huwag babangon agad agad at baka sumakit ang ulo at mahilo. Kung minsan ay sinasabi lang natin na tayo ay sobrang pagod kaya ganito ang pakiramdam. Hindi ito kasabihan o naramdaman lamang at may basihan ito. Dahil sa tinatawag na gravity , oras na tayo ay bumangon, bumababa ang ating dugo sa mga dependent na lugar gaya ng ating mga binti at paa. Ngunit sa galing ng ating katawan ay naitutulak agad ang dugo pabalik sa puso nang sa ganoon ay malagyan ulit ng oxygen ang dugo na kailangan sa buong katawan. Kadalasan agad agad din naman nangyayari ito. Ngunit kung matagalan, ay maaaring magkaroon ng sintomas ng pagkahilo o paliliyo, panghihina, pagsuka, parang hihimatayin at iba pa. Orthostatic hypotension ang tawag dito. The post Orthostatic hypotension first appeared on Abante......»»

Category: sportsSource: abscbn abscbnApr 26th, 2021